Kelan mo ba masasabing nagkakaintindihan kayo ng isang tao? Kapag ba sumigaw ka ng ‘hephep’ at otomatikong sisigaw naman sya ng ‘hurray’, o kapag pumalakpak ka sa harap ng bahay nila magmimistula naman syang isang kalapating lalabas at lalapit sayo, o pwede rin kapag kumanta ka ng ‘I love you’ susundan naman nya nga ‘you love me’ at sabay nyo ng kakantahin ang barney end theme song.
Pero paano mo talaga masisigurado na hindi lamang kayo tumatakbo sa iisang sistema? Na ang alam nya lang talaga sa tanong na 1+1 ay 2 katulad ng alam mo. Na Mecury din ang alam nyang unang planeta sa solar system katulad ng naituro sayo. Na nadisiplina lang syang maging mabait sa mga taong mabait din sa kanya? Na wala naman higit na ‘intindihan’ sa inaakala mong meron sa inyo.
Sa totoo lang wala naman masama sa ganitong set-up, para lang naman itong secret code na kayong dalawa lang ang nakakaalam. Ayos nga e, astig, titig pa lang alam mo na ang ibig sabihin, pero ang tanong hanggang kelan nyo gagamitin ang code na ito?
Dadating sa punto na may isa sa inyo ang mapapaisip kung ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa. Hindi kaya ang tabas lang ng utak nyo ay isang straight na linya at isang bilog na katumbas ng perfect ten? O meron pa talagang higit sa similarity na nagdidikit sa inyong dalawa?
Paano kung nagsimula ng mabago ang dating mga routine nyo dahil sa ugnayan na hindi nyo alam kung ano? Hindi pa ba ito sapat na dahilan para pag-usapan kung asan ba talaga kayo? Magdedepende na lang ba kayo sa nararamdaman nyo na hangga’t ok pa go lang ng go.
Ang mahirap kasi sa relasyon na hindi malinaw ay ang commitment na andyan lang ang taong yun para sayo. At hindi mo alam kung tama ba ang interpretasyon mo sa mga ginagawa nya at kung kelan ka dapat huminto kapag asa zigzag road na kayo. Paano halimbawa kapag ang bumungad sayo sa paggising mo na excited ka pa para tawagan sya ay ang linyang "stop right now, thank you very much I need somebody with a human touch". Sign na ba ito na dapat ka ng tumigil? E paano kung favorite nya lang talaga ang Spice Girls? O nasanay ka na may message ka everyday galing sa kanya at nagising ka na lang isang araw at natauhan na isang linggo ka na pala nyang hindi pinapansin, at dahil sa sama ng loob sa pangdededma sayo ay magde-decide ka ng kalimutan ang lahat na hindi inaalam na-kidnap pala sya ng NPA at walang signal sa bundok. Kelan mo masasabing tama na kung wala naman kayong malinaw na simula? Kelan mo malalamang ayawan na pala kung wala naman rules na naka-set sa larong inyong ginagawa? Buti sana kung parang patintero lang ang relasyon, na kapag-natouch ka game over na!
Pero pano pag napag-usapan na at parehong ‘hindi nyo alam’ ang sagot. Ano ng kasunod para sa inyo? Dapat pa ba tumuloy sa isang bagay na parehong puzzle para sa inyo at wala man lang picture na ibinigay para maging clue. O higit, dapat ka pa bang tumuloy sa isang taong mistulang invertebrate dahil walang buto para harapin kung anong totoo? Bakit hindi masagot kung bakit sya lang ang laman ng inbox mo sa facebook, text until morning at may offline message pa sa ym, minsan may tawag pa na expected mo na kung anong oras susulpot
Sadya nyo man o hindi ang mga nangyayari may isa sa inyo na aasa na higit pa kayo sa magkaibigan, hindi dahil sa ginagawa ng isa sa inyo kundi dahil sa sarili nyang nararamdaman. Hindi mo sya pwede sisihin o ang sarili mo kasi pinili nya yun, dahil sa ganun bagay nya naintindihan ang malabo nyong usapan.
Wala naman masama sa coding system na relasyon hangat pareho ninyong naiintindihan kung bakit nyo ito ginagawa. Pero kapag nagiging seryoso na ang mga bagay bagay, siguro naman onting magandang asal na ang linawin kung ano ba ang meron sa inyo. Mas matalino ang tao sa computer kaya hindi mo pwedeng sabihin hindi mo alam kung anong meron sa codes nyo. At sa huli, kung gagawin nyo ito, pareho ninyong pinapalaya ang isa’t-isa sa imahinasyong pwede naman maging totoo, hindi man sa piling mo o nya pero sa ibang higit na mas karapat-dapat na tao para sa inyo.
5 comments:
pareho ninyong pinapalaya ang isa’t-isa sa imahinasyong pwede naman magiging totoo, hindi man sa piling mo o nya pero sa ibang higit na mas karapat-dapat na tao para sa inyo--->kapag kase umiral na ang nararamdaman ng isang tao higit nyang binibigyan ng halaga ang taong yun kesa sa sarili nya, kaya heto binibigay nya sa "mas" karapat-dapat, kahit sa dulo sya rin naman ang masasaktan(ang kulit ng tao).
Dahil sa pagkaligaw ng isang tao sa kanyang emosyon, di niya magawang gawin ang sa tingin nya ay tama at nararapat. Lahat ng tao kahit gaanu man katalino at karational magisip, ay bigla nalang magiging premature ang utak sa pagdedesisyon ng dapat gawin. Oo, tama nga na pagdumating tayo sa puntong nagpapahalaga na tayo ay MAS pinapahalagahan na pala natin siya at nalimutan mo na ikaw. Ang tao ay matalinong nilalang, ngunit lahat ng ito ay nababalewala kapag naimpluwensyahan na ng puso ang isipan.
Maiintindihan ko pa kung ang mag-MU ay high school students. Pero kapag hindi ka na HS at nag-eengage ka pa rin sa ganitong set-up, aba iho/iha magisip-isip ka na. Paalala lang, wag natin sayangin ang oras natin sa mga bagay na magulo or walang kasiguraduhan. Maiksi lang ang buhay, live it right ika nga.
Malabo kase ang usapan nila kaya wala ring malinaw na patutunguhan. Ang kawawa yung nag-akala ng malinaw na usapan out of the malabong usapan. (ano daw?)
Maraming asa 20's ang pumapasok sa ganitong bagay, mga invertebrates na takot sa matinong takbo ng relasyon. O madalas napagkakamalan lang sila na ganito dahil sa sobrang concern o interes sa iba (na naturalesa na nila)
Post a Comment