Kahapon widowed ka a, ngayon married na? Ano yan “married na naman”? Ilang beses ka ba kinasal? Teka ilang beses ba pwede ikasal dito sa pilipinas (ang hindi muslim ha!) At teka nga, ilang taon ka na ba at naka-married ang relationship status mo dyan??
Epekto siguro ng wala ako magawa (ubos na kasi ang energy ko sa tetris battle) nagtingin tingin na lang ako ng profile ng iba sa mga social networking site na may account din ako. Mga dating kakilala (ano to, ngayon di na? nu yun?!) Kaklase sa elementarya, kasama sa lakwatsa, pati na din yung tambay lang sa kalsada basta kilala ko at may account tiningnan ko na. At napapailing ako. Minsan talaga kahit hindi purpose nun na pag-isipin ka e mapapaisip ka na lang sa iyong makikita. Bakit kaya hindi, e ang tanong na “what’s on your mind?” ni pareng Mark sa facebook misunderstood ata ng karamihan. Tanong yun di ba? So mapapaisip ka talaga, pero nasagot mo ba ng tama?
Para san ba ang mga social networking sites? Twitter, facebook, multiply na nakalimutan na at friendster na nagpalimot na? Para ba may daan ka para mai-report sa madla kung ano ang ginagawa mo ngayon? Kumakain ka ngayon sa Jollibee, masarap ang iniinom mong kape sa starbucks, o may bago kang biling ipad, yung 3g ha. O para malaman ng mga kaibigan mo na in a relationship ka ngayon tapos bukas married na at sa susunod na bukas e widowed ka na tas sa mga susunod na araw e kasal ka na ulit. Take note: Sa iisang tao yun! Ayos nabuhay ulit yung namatay mong asawa, widowed nga di ba??
Pwede din naman para ma-i-share mo yung mala-roller coaster mong buhay pag-ibig. Nakamove on ka na, YEHEY! tuwang tuwa ka, after 3 mins puro sad faces na naman ang wall mo kasi miss na miss mo na sya at di mo kayang mawala sya at paulit ulit na sasabihin mahal mo pa din sya. Tas bukas matapang ka ulit magpo-post sa account mo na nakalimutan mo na sya at sasabihin pang FINALLY. Nagbilang ka lang ng oras may finally na?! Emotionally unstable? Baka naman psychiatrist ang dapat i-add mo sa friends list mo.
Kung ang iba social networking site ang daan para ipaalam na hiwalay na sila ng iniirog nya, may iba din naman na dito dumadaan para i-announce na taon-taon na lang malamig ang pasko nya. Kulang na lang i-announce na “Wanted BF/GF, urgently needed.” Na ewan kung bakit e iisa naman ang klima natin lahat dito sa Pinas pag December, at malamig naman talaga, may mas nga lang! E pano pag-summer break muna kayo kasi mainit?
Sa totoo lang wala naman masama dito, (onti lang!) kung asa tamang lugar ka para i-post yung sasabihin mo. Ika nga “think before you click.” Halimbawa, trip mo magsounds, parang awa, wag mo naman i-flood ang news feed ng iba dahil sa sunod-sunod na video na sini-share mo. Hoy! Di lang ikaw ang may post, at kung gusto mo magvideo marathon dun ka sa youtube. Kung ang tanong sa twitter ay “what’s happening?” at “what’s on your mind?” naman sa facebook pakisagot ng tama para di ka nagmumukang anga. Asa facebook ka pero ang mga post mo “kumakain ng mangga”, “papunta sa araneta para manuod ng concert”, “sumasandok ng kanin kasi kakain na”. Pakelam nila dyan, mamaya di mo lam nakahide ka na sa news feed nila kasi minu-minuto pagmumuka mo lumalabas sa wall nila. Umayos ka.
At ang epic sa lahat yung naghuhurumintado kasi me nagcomment sa post nya. Ay wagas! Nangyari kaya sakin to. Unang una comment nga e, kung ayaw mo makumentuhan e di i-only me mo ang post mo. At kung ikaw naman ang magco-comment, comment daw hindi alaska.
Weird. Ang weird talaga ng tao. Di ko lam kung sino magulo, ako na madaming nakikita o sila na nakikita ko. Tulad na lang nitong katabi ko ila-like pa sarili nyang post. Mag-po-post ka ba ng di mo gusto? WEIRD.
No comments:
Post a Comment