Wednesday, January 11, 2012

Mutual Understanding (Malabong Usapan)

Kelan mo ba masasabing nagkakaintindihan kayo ng isang tao? Kapag ba sumigaw ka ng ‘hephep’ at otomatikong sisigaw naman sya ng ‘hurray’, o kapag pumalakpak ka sa harap ng bahay nila magmimistula naman syang isang kalapating lalabas at lalapit sayo, o pwede rin kapag kumanta ka ng ‘I love you’ susundan naman nya nga ‘you love me’ at sabay nyo ng kakantahin ang barney end theme song.

Pero paano mo talaga masisigurado na hindi lamang kayo tumatakbo sa iisang sistema? Na ang alam nya lang talaga sa tanong na 1+1 ay 2 katulad ng alam mo. Na Mecury din ang alam nyang unang planeta sa solar system katulad ng naituro sayo. Na nadisiplina lang syang maging mabait sa mga taong mabait din sa kanya? Na wala naman higit na ‘intindihan’ sa inaakala mong meron sa inyo.

Sa totoo lang wala naman masama sa ganitong set-up, para lang naman itong secret code na kayong dalawa lang ang nakakaalam. Ayos nga e, astig, titig pa lang alam mo na ang ibig sabihin, pero ang tanong hanggang kelan nyo gagamitin ang code na ito? 

Dadating sa punto na may isa sa inyo ang  mapapaisip kung ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa. Hindi kaya ang tabas lang ng utak nyo ay isang straight na linya at isang bilog na katumbas ng perfect ten? O meron pa talagang higit sa similarity na nagdidikit sa inyong dalawa?

Paano kung nagsimula ng mabago ang dating mga routine nyo dahil sa ugnayan na hindi nyo alam kung ano? Hindi pa ba ito sapat na dahilan para pag-usapan kung asan ba talaga kayo? Magdedepende na lang ba kayo sa nararamdaman nyo na hangga’t ok pa go lang ng go.

Ang mahirap kasi sa relasyon na hindi malinaw ay ang commitment na andyan lang ang taong yun para sayo. At hindi mo alam kung tama ba ang interpretasyon mo sa mga ginagawa nya at kung kelan ka dapat huminto kapag asa zigzag road na kayo. Paano halimbawa kapag ang bumungad sayo sa paggising mo na excited ka pa para tawagan sya ay ang linyang "stop right now, thank you very much I need somebody with a human touch". Sign na ba ito na dapat ka ng tumigil? E paano kung favorite nya lang talaga ang Spice Girls? O nasanay ka na may message ka everyday  galing sa kanya at nagising ka na lang isang araw at natauhan na isang linggo ka na pala nyang hindi pinapansin, at dahil sa sama ng loob sa pangdededma sayo ay magde-decide ka ng kalimutan ang lahat na hindi inaalam na-kidnap pala sya ng NPA at walang signal sa bundok. Kelan mo masasabing tama na kung wala naman kayong malinaw na simula? Kelan mo malalamang ayawan na pala kung wala naman rules na naka-set sa larong inyong ginagawa?  Buti sana kung parang patintero lang ang relasyon, na kapag-natouch ka game over na! 

Pero pano pag napag-usapan na at parehong ‘hindi nyo alam’  ang sagot. Ano ng kasunod para sa inyo? Dapat pa ba tumuloy sa isang bagay na parehong puzzle para sa inyo at wala man lang picture na ibinigay para maging clue. O higit, dapat ka pa bang tumuloy sa isang taong mistulang invertebrate dahil walang buto para harapin kung anong totoo? Bakit hindi masagot kung bakit sya lang ang laman ng inbox mo sa facebook, text until morning at may offline message pa sa ym, minsan may tawag pa na  expected mo na kung anong oras susulpot

Sadya nyo man o hindi ang mga nangyayari may isa sa inyo na aasa na higit pa kayo sa magkaibigan, hindi dahil sa ginagawa ng isa sa inyo kundi dahil sa sarili nyang nararamdaman. Hindi mo sya pwede sisihin o ang sarili mo kasi pinili nya yun, dahil sa ganun bagay nya naintindihan ang malabo nyong usapan.

Wala naman masama sa coding system na relasyon hangat pareho ninyong naiintindihan kung bakit nyo ito ginagawa. Pero kapag nagiging seryoso na ang mga bagay bagay, siguro naman onting magandang asal na ang linawin kung ano ba ang meron sa inyo. Mas matalino ang tao sa computer kaya hindi mo pwedeng sabihin hindi mo alam kung anong meron sa codes nyo. At sa huli, kung gagawin nyo ito, pareho ninyong pinapalaya ang isa’t-isa sa imahinasyong pwede naman maging totoo, hindi man sa piling mo o nya pero sa ibang higit na mas karapat-dapat na tao para sa inyo.

Monday, January 9, 2012

Hanu daw?!


Kahapon widowed ka a, ngayon married na? Ano yan “married na naman”? Ilang beses ka ba kinasal? Teka ilang beses ba pwede ikasal dito sa pilipinas (ang hindi muslim ha!) At teka nga, ilang taon ka na ba at naka-married ang relationship status mo dyan??

Epekto siguro ng wala ako magawa (ubos na kasi ang energy ko sa tetris battle) nagtingin tingin na lang ako ng profile ng iba sa mga social networking site na may account din ako. Mga dating kakilala (ano to, ngayon di na? nu yun?!) Kaklase sa elementarya, kasama sa lakwatsa, pati na din yung tambay lang sa kalsada basta kilala ko at may account tiningnan ko na. At napapailing ako. Minsan talaga kahit hindi purpose nun na pag-isipin ka e mapapaisip ka na lang sa iyong makikita. Bakit kaya hindi, e ang tanong na “what’s on your mind?” ni pareng Mark sa facebook misunderstood ata ng karamihan. Tanong yun di ba? So mapapaisip ka talaga, pero nasagot mo ba ng tama?

Para san ba ang mga social networking sites? Twitter, facebook, multiply na nakalimutan na at friendster na nagpalimot na? Para ba may  daan ka para mai-report sa madla kung ano ang ginagawa mo ngayon?  Kumakain ka ngayon sa Jollibee, masarap ang iniinom mong kape sa starbucks, o may bago kang biling ipad, yung 3g ha.  O para malaman ng mga kaibigan mo na in a relationship ka ngayon tapos bukas married na at sa susunod na bukas e widowed ka na tas sa mga susunod na araw e kasal ka na ulit. Take note: Sa iisang tao yun! Ayos nabuhay ulit yung namatay mong asawa, widowed nga di ba??

Pwede din naman para ma-i-share mo yung mala-roller coaster mong buhay pag-ibig. Nakamove on ka na, YEHEY! tuwang tuwa ka, after 3 mins puro sad faces na naman ang wall mo kasi miss na miss mo na sya at di mo kayang mawala sya at paulit ulit na sasabihin mahal mo pa din sya. Tas bukas matapang ka ulit magpo-post sa account mo na nakalimutan mo na sya at sasabihin pang FINALLY. Nagbilang ka lang ng oras may finally na?! Emotionally unstable? Baka naman psychiatrist ang dapat i-add mo sa friends list mo.

Kung ang iba social networking site ang daan para ipaalam na hiwalay na sila ng iniirog nya, may iba din naman na dito dumadaan para i-announce na taon-taon na lang malamig ang pasko nya. Kulang na lang i-announce na “Wanted BF/GF, urgently needed.”  Na ewan kung bakit e iisa naman ang klima natin lahat dito sa Pinas pag December, at malamig naman talaga, may mas nga lang! E pano pag-summer break muna kayo kasi mainit?

Sa totoo lang wala naman masama dito, (onti lang!) kung asa tamang lugar ka para i-post yung sasabihin mo. Ika nga “think before you click.” Halimbawa, trip mo magsounds, parang awa, wag mo naman i-flood ang news feed ng iba dahil sa sunod-sunod na video na sini-share mo. Hoy! Di lang ikaw ang may post, at kung gusto mo magvideo marathon dun ka sa youtube. Kung ang tanong sa twitter ay “what’s happening?” at “what’s on your mind?” naman sa facebook pakisagot ng tama para di ka nagmumukang anga. Asa facebook ka pero ang mga post mo “kumakain ng mangga”, “papunta sa araneta para manuod ng concert”, “sumasandok ng kanin kasi kakain na”. Pakelam nila dyan,  mamaya di mo lam nakahide ka na sa news feed nila kasi minu-minuto pagmumuka mo lumalabas sa wall nila. Umayos ka.

At ang epic sa lahat yung naghuhurumintado kasi me nagcomment sa post nya. Ay wagas! Nangyari kaya sakin to. Unang una comment nga e, kung ayaw mo makumentuhan e di i-only me mo ang post mo. At kung ikaw naman ang magco-comment, comment daw hindi alaska.

Weird. Ang weird talaga ng tao.  Di ko lam kung sino magulo, ako na madaming nakikita o sila na nakikita ko. Tulad na lang nitong katabi ko ila-like pa sarili nyang post. Mag-po-post ka ba ng di mo gusto? WEIRD.

Sunday, January 8, 2012

Heart talks via brain.


Yes, I’ve been there, on that corner, praying that one day you will see me, the worth I have, the necessity for you to stay, the knowledge for you to recognize my value as the one you are looking for.

I don’t know if that was the right prayer for me to utter and I don’t know if God heard me. But now you are here, wrapped with vagueness and walking in obscurity. And for once, you saw me, you stayed.

Honestly I am not happy on what we have. You are putting me in a place that is shadowed by indecision, dwelling me in a realm of hope. You are making me doubtful, restless, and oblivious with your fears. Sometimes all I want is to hide, to soar away from you, until you realize that you need to have those bones to stand for something, to clear your place and to be brave. Indeed, I don’t want you to be a gentleman; I want you to be a rationale man.

But with all of these downbeat circumstances I am still remaining my piece with you while walking on my path. You’ve got issues and I have mine. But I prayed for you. That’s why I won’t stop looking after you while molding myself into something better.

I prayed for you and waited long enough to make me realize that something has to be changed; and it is my prayer.

Now I will pray for your strength, for you to face your fears; for you to feel the courage to amend where you lodged yourself in so that you will never get hurt. I will pray for your sight, for you to see what you are missing, what you are over-looking.  I will pray for your esteem, for you not to lose what God has planted and for you to recognize the blessing extended to you in any forms. And I will pray for your perception, for you to assess things in virtue.

I hope one day, you will see things in justice. That everything is not the way you think it is because of the struggle you had in your bygone days. You don’t know everything. And you haven’t experienced everything yet to feel coward on what has been stored for you. I wish you will realize that you should drive your life looking straight ahead of you, catching sight of your side view mirror only for guidance and protection and not watching it for your entire tour. So that when the day comes that you are willing to give yourself in, you will never feel lose again.  God be with us brother.