Friday, July 22, 2011

Padaan.


Hi! Para ko tanga sa pag-iisip kung anu ba ang ilalagay ko sa blog ko ngayon, pero wala naman ako maisip maliban sayo. Nakakatawa, isipin ko pa lang na makikita ulit kita, kinakabahan na ko. Pero sa bandang huli napapiling na lang ako dahil alam ko na malabo na mangyari yun.

Sabi ng kaibigan ko madalas daw ako magblog na kawirduhan, so ngayon kung ano naiisip ko yun ang ita-type ko. Ayoko na maglabas ng ideas sa kanila dahil pakiramdam ko paulit ulit na lang kami. Ako na magtatanong kung bakit ang bigat ng nararamdaman ko, sila na magsasabi na tumigil na ko pagdating sayo. Sasabihin ko na titigil na ko, per at the end of the day yung “why do I need to?” philosophy ko umiepal na naman. Ganun naman talaga, madali sabihn ang hirap hirap gawin.

Pero this time totoo na ata to. Bibitiw na ko sa kung ano mang meron pag-asa na nararamdaman ako para sayo. Mabigat lang talaga sa pakiramdam, na habang lumilipas ang oras palayo ako ng palayo sayo saka naman lagi lumalabas yung  tanong na kung makakabalik pa ko sa dati na di ko naman alam ang sagot. Pero naisip ko lang ngayon, ano bang dapat ko panghinayangan? Ang weird. You’ve just been a habit. Pero kung sa bagay every addiction naman naguumpisa sa habit di ba.

Sa totoo lang malayong malayo ka sa iba, kasi sila nakikinig sa lahat ng kwento ko, interesado sa lahat ng sasabihin ko, pero ikaw nr lagi. Wa pakels. Pero lumalapit pa din ako sayo para makwento.  Naisip ko tuloy bigla kung anu ang mahirap sakin para layuan ka. Muka tuloy ako kawawa. Wala ba ko friends kaya sayo ko sumisiksik?? Haha.. Mag-iisip na lang ako ng negatibo para madivert yung lungkot sa “so what?”.

Pagkatapos ko sayo panigurado ang hollow na naman.Naramdaman mo na ba yun? Yung sayo lang umiikot yung buhay mo. Yung ikaw lang ang inaalala mo. Tulog-kain-work. Siguro kung me isang part ng buhay ko na wala ako pinoproblema maliban sa school e yung time na ang boring ako. Wala ko iniisip, di ako nasasaktan, di ako nalulungkot. Boring in short. I was living in a series of monotony. Pero at least safe. Yung tipong gigising ako na nasa ilalalim ng kama yung cp ko, na maiiwan ko sya pagpunta ko ng school, na 3 days sya patay kasi nakalimutan ko i-charge. Wala ako iniisip kung me nadedma ba ko.. pero kasabay kasi nun nagiging walang kwentang tao din ako. Kaya siguro natuwa din yung mga kaibigan ko na kahit panu nakaramdam ako ng ganito. At least me pakilam pa ko at least nangengelam na ko sa nangyayari sa paligid ko. Pero exhausting pala to. Unhealthy. Kaya siguro ang taba ko nung mga panahon na dummy stick ako. Dummy stick ako nun pero wala ko pakelam, pero ngayon bakit big deal ang lahat. Kaya ayoko ng attachment e. Har..

Anyway babay. Wala lang ako magawa napadaan lang J

1 comment:

Anonymous said...

nawindang ako..mejo meron ako di naintindihan..mag english kna lang aby..hehe..mukha nga talagang napadaan..