Ang sakit sa tenga ng tunog ng cellphone ko. Pero wala naman ako magawa, sa ganitong tunog lang ako nagigising. Minsan nga iniisip ko kung saan ba talaga ako nagigising, sa gulat sa biglaang vibrate ng cellphone ko o sa matinis na tunog nito. 9am na, pero inaantok pa din ako, tinatamad pa din ako tumayo para mag-ayos. Magbe-breakfast ba ko o diretso na sa pagligo, pero pagtingin ko sa relo 9:15am na. Napabalikwas na ko ng bangon, ganun katagal na ba ko nag-iisip. Di na lang ako kakain baka ma-late pa ko sa klase ko ng 10am.
Habang naglalakad sa Pureza nakita ko si Gen, asa likod nya lang ako pero di ko magawang tawagin sya. Natawa ako bigla sa naisip ko, naalala ko yung pinoy henyo na paglalaro nina Avec at Gen. Pinahuhulaan nun “PAPAYA”, pero dahil ang tanong ni renz e meron daw ba nun si Gen at Avec akala nya parte ng katawan ng babae yung word. P*k* pa ang hula. Loko.
Ayun si Rose Anne at Ness, hinabol si Gen. Di ba ko nakita nung dalawa? Pero ayos lang.. Dirediretso sila sa hagdan, stop over na lang muna ako sa rolling store para di naman ako mukang engot na sumusunod sa mga kaklase ko. Pag-akyat sa 2nd floor wala pa yung tatlo, siguro dumaan pa ng CR. Pagpasok ko sa room nakita ko kagad si Zab, bukas na naman ang bag sa harap nya habang nagpupunas ng pawis, samantalang si Mona busy sa pagpaypay habang nagtetext.
“Abe marunong ka ba magsuklay?” bungad sakin ni Abie mama. Ngayon lang ako naging conscious na muka na naman akong sabog sa ayos ko. Kung di lang required na mag-uniform di ko titiisin tong puting damit na to. Inaantok pa talaga ko. Sobra. Si Angel natutulog na naman. Naiingit ako, mamaya na lang ako makikipagkwentuhan kina zab iidlip muna ako.
Habang nakaubob narinig ko me nang-aasar ke Angel, si Thene siguro yun. Kasabay naman ang malakas na tawa ni Iloi pati na din ang pagsigaw ng “Adik!” ni Melody. Di ko na din alam kung ilan oras na nakalipas, pero maingay pa din ang kapaligiran. Narinig kong kumakanta si Maan, at pupusta ako na nasa harap sya ngayon habang kumukumpas ang mga kamay.
"Tulog na naman si Abe". Dumating na si Issapot, minsan naiisip ko sinuswerte din si Issa e, di sya late ngayon kasi mas late ang prof sa kanya. Pero madalas malas sya, lagi sya nakatambay sa labas ng room kasama nina Em at Aziel. Hinaram ni Janal yung cp ni Issa, me bago daw nilagay si Jayson na scandal sa cp, malamang pyesta na naman yun mamaya. Narinig ko na nag-comment si Ate Joy ng "grabe naman yung lalake", pinapanuod na nila panigurado yung bagong download na palabas. Biglang gumalaw ang upuan sa harap ko, at naramdaman ko me umupo, nakita ko si Jylle sa pagitan ng mga hibla ng buhok ko, wow bagong gupit.
"Abe kain na tayo". Huh? Kakain na kami? Anu oras na ba? Ilang oras na ba ko nakaunan sa mga braso ko? Saan na naman kaya kami kakain. Sa totoo lang madami naman kainan sa labas, kaw na lang bahala pumili kung kaninong Ate o Kuya ka kakain. Pwede ke ate sa papasok, ke ate sa tabi ng tindahan, ke ate sa bakery o ke kuya na me 2nd floor yung karenderya. It's your choice kung baga. Pero minsan nauumay na talaga ko.
Pagkatapos kumain, tatambay muna sa labas ng room, at me klase sa 4th floor sa GS building. Pila muna kami sa labas habang iniintay na mawala yung mga estudyante sa room namin. Pinapanood ko si Totz na tinatawag si kuya Racky ng “doogie” at naisip ko buti hindi tinatawag ni kuya racky na “piggy” si Totz at “kitty” si Astrud, kundi para na din silang hayop na combo.
Dumating na ang grupo nina Joan, magkakasama sila nina Abi Cruz, siguro tumambay na naman sila sa dorm nina Maan. Maliban sa grupo nina Margi grupo nila ang may pinakamalaking myembro sa klase namain. Kaya kung wala ka friends at me group activity, kawawa ka. Malamang isa ka sa mga aasa na sana i-grupo na lang kayo ng prof nyo. Kung me grupo ang mga regular student me clan din naman ang mga irregular. At madalas sila din magkakasama sa grouping. Pero sina Ate Joy at Kuya Ace na mga senior sa klase namin e parang parte na din ng batch namin talaga.
Ok uwian na..
Gabi na naman at naiwan ko na naman ang salamin ko sa bahay. Buti na lang kasama ko sina Janal sa pag-uwi, naisip ko, mababait talaga tong tatlo na to, parepareho kasi ang way nila nina Mona at Zab na pa-Quiapo pero lagi nila ko hinahatid sa me overpass at sinasakay muna bago sila tumawid sa kabilang kalsada. Kaso syempre kasabay na ang kulitan dun, kasi madalas kung hindi ako sisigawan ni Janal na magbayad sa driver e ipapara nya ko ng PUNTA kahit alam nyang BACOOD ang sinasakyan ko. Ngayon ano naman kaya ang gagawin ni Janal. Dumating ang sasakyan. Wala alin man sa dalawa ang nangyari, sa halip hinila ni Janal ang buhok ko pagsakay ko ng jeep. Putek, humanda ka sakin bukas Chuva.
Mag-isa na naman ako sa bahay. Nakakatamad kumain. Lagi naman ganito buhay ko, kung di ako aalis ng bahay ng tulog pa sina kuya o wala na ko kasama, uuwi naman ako na patay pa ang ilaw sa buong bahay. Ibig sabihn ako na naman mag-isa. Tumunog yung phone ko, si Margi nagtext, kasabay na din dun ang text ni Iloi. Unli na naman. Naisip ko magpaload kagad. Ito na lang ata libangan ko, Magtext sa kaklase. Wala man ako textmate o boyfriend lagi naman ako nakaunli ng 5days at naghihintay ng text sa mga globe user na kaklase ko. Si Zab na lang kukulitin ko, makikipag-englishan na lang ulit ako.
Narinig ko bigla tumutunog ng matinis ang cp ko.. huh? wala man nagtetext sakin, hawak ko pa din sya pero di umiilaw at patuloy lang sa pagtunog.
"Anak alas syete na male-late ka na sa interview mo." e? Pagmulat ko ng mata ko nakita ko si Mama sa may pinto ng kwarto ko hinihintay na bumangon ako. Aw.. tatlong taon na nga pala ko tapos sa koliheyo, pero bakit malinaw pa din sa akin ang bawat detalye ng pagiging estudyante ko. Tsk. Me apply nga pala ko ngayon..