Saturday, November 24, 2012

La Sallista ka ba?


First time to be at expensive school (La Salle Zobel). At una ko naisip geez. Tahanan ba ito ng mga anak ng Dyos at Dyosa??

Unang una, dun ko nakita ang mga studyante na wala na ata ibang ginawa kundi mag-usap ng ingles, mag-asaran sa ingles at kung ano ano pa using English medium. Makakasalubong mo e ibat-ibang lahi na kapag kinausap ka nila e walang ibang paraang kundi magsalita din sa wikang ginagamit nila. Dun ko nakita na totoo ngang nangyayari yung mga scene sa tv na sosyal sosyal na ang mga studyante ngayon. Pero sa pagmamatyag me napansin akong kakaiba.

Medyo may pagka-”ewan” sila umasta. Self-centered, bastos, brat? Di ko lam kung ano ang tamang term,  o siguro lahat na.

We were there to conduct an information campaign. But since bata naman talaga ang target namin medyo animated ang flow ng program and we were with a good facilitator then.(looks and communication skill, check!)

Pero me mali kung pano sila umasta..

Unang una, during set up, nakaupo yung mga bata sa daan papasok sa auditorium nila, we were carrying tables, coolers, banners, etc that were big enough to consume space, and gulay! During our time setting up nakikita na nila na dadaan kami pero hindi talaga sila umaalis sa pwesto nila, we tried to say “excuse po” (in a good way, syempre kelangan magpaka-goody) and they moved! Mga 1 inch siguro. Alam mo yun, nakikita na nila na hirap na hirap na yung mga tao namin to carry those props pero di sila umaalis sa daan, bibigyan ka ng way pero bahala ka kung pano mo pagkakasyahin yung sarili mo dun sa binigay nilang space well in fact pwede naman sila tumabi saglit kasi nga pintuan yun.

Saka naghaharutan talaga sila sa daan. Isipin mo me bitbit kang lamesa tas biglang me nagtakbuhan sa harap mo at naghampasan, ikaw pa ang hindi gagalaw baka kasi sumabit sila sa bitbit mo. Mamaya anak pa pala ng kung sino yung natabig mo.. At hindi sila basta aalis sa daan gat di pa sila tapos sa ginagawa nila kahit na nakikita na nila kung gano kabigat yung dala mo.

Pangalawa during the program flow, pinapakita talaga nila na they are not happy on what is happening. To the point na binabara na nila yung facilitator namin. (i really feel bad for him, though alam ko di nya narinig yung mga mocks nung bata.) Siguro nga dahil mayaman sila at iba yung entertainment na hanap nila but to yell sa facilitator while conducting the event, duh.. Ibang klase.

During our distribution of freebies, me iba talaga na hindi kumuha. Kapag hindi mo naibigay yung gusto nila iiwan ka talaga ng walang sabi sabi. Part of the program is to give each student ng envelope na ibibigay nila sa parents nila, at anong ginawa nila..? Tinapon nila sa labas lang ng auditorium nila! Even yung plastic ng straws. Me ibang bata pa nga na harap harap na itinapon yung envelope sa kasamahan ko. Sheep talaga. Sa 13 schools na napunthan namin to conduct that event dun lang kami nakaranas ng ganung pambabastos, to think na isa sa kinikilalang school yun at Zobel pa!

Di ko lam kung dahil mayaman lang ba sila at iba ang trip nila, pero para sa edad nila me kaangasan na silang taglay. At hindi sila grateful sa mga binibigay sa kanila. Me mga prizes kasi na binigay sa mga players ng game at nagrereklamo talaga at sinisigaw pa nila na yun lang, they are expecting ipads daw! Langya.. Me isa pang studyante na sumigaw and told us : “can i comment? What you did to us is for senior prep. Don’t treat us like a baby.” E yung program namin gang grade 6 nga ang kasali at wala kami nakuhang ganung feedback sa iba.

Gusto ko na talaga tumakbo nun palabas ng subdivision. Though hindi naman ako nakikita nung mga bata pero yung feeling na napapahiya na yung mga kasamahan mo, buti natapos kagad yung event. 

1 comment:

Anonymous said...

Di nila kaya maging thankful for simple things kasi yung meron na sila ay di simple. Palibhasa me golden spoon sa bibig.