Saturday, November 24, 2012

La Sallista ka ba?


First time to be at expensive school (La Salle Zobel). At una ko naisip geez. Tahanan ba ito ng mga anak ng Dyos at Dyosa??

Unang una, dun ko nakita ang mga studyante na wala na ata ibang ginawa kundi mag-usap ng ingles, mag-asaran sa ingles at kung ano ano pa using English medium. Makakasalubong mo e ibat-ibang lahi na kapag kinausap ka nila e walang ibang paraang kundi magsalita din sa wikang ginagamit nila. Dun ko nakita na totoo ngang nangyayari yung mga scene sa tv na sosyal sosyal na ang mga studyante ngayon. Pero sa pagmamatyag me napansin akong kakaiba.

Medyo may pagka-”ewan” sila umasta. Self-centered, bastos, brat? Di ko lam kung ano ang tamang term,  o siguro lahat na.

We were there to conduct an information campaign. But since bata naman talaga ang target namin medyo animated ang flow ng program and we were with a good facilitator then.(looks and communication skill, check!)

Pero me mali kung pano sila umasta..

Unang una, during set up, nakaupo yung mga bata sa daan papasok sa auditorium nila, we were carrying tables, coolers, banners, etc that were big enough to consume space, and gulay! During our time setting up nakikita na nila na dadaan kami pero hindi talaga sila umaalis sa pwesto nila, we tried to say “excuse po” (in a good way, syempre kelangan magpaka-goody) and they moved! Mga 1 inch siguro. Alam mo yun, nakikita na nila na hirap na hirap na yung mga tao namin to carry those props pero di sila umaalis sa daan, bibigyan ka ng way pero bahala ka kung pano mo pagkakasyahin yung sarili mo dun sa binigay nilang space well in fact pwede naman sila tumabi saglit kasi nga pintuan yun.

Saka naghaharutan talaga sila sa daan. Isipin mo me bitbit kang lamesa tas biglang me nagtakbuhan sa harap mo at naghampasan, ikaw pa ang hindi gagalaw baka kasi sumabit sila sa bitbit mo. Mamaya anak pa pala ng kung sino yung natabig mo.. At hindi sila basta aalis sa daan gat di pa sila tapos sa ginagawa nila kahit na nakikita na nila kung gano kabigat yung dala mo.

Pangalawa during the program flow, pinapakita talaga nila na they are not happy on what is happening. To the point na binabara na nila yung facilitator namin. (i really feel bad for him, though alam ko di nya narinig yung mga mocks nung bata.) Siguro nga dahil mayaman sila at iba yung entertainment na hanap nila but to yell sa facilitator while conducting the event, duh.. Ibang klase.

During our distribution of freebies, me iba talaga na hindi kumuha. Kapag hindi mo naibigay yung gusto nila iiwan ka talaga ng walang sabi sabi. Part of the program is to give each student ng envelope na ibibigay nila sa parents nila, at anong ginawa nila..? Tinapon nila sa labas lang ng auditorium nila! Even yung plastic ng straws. Me ibang bata pa nga na harap harap na itinapon yung envelope sa kasamahan ko. Sheep talaga. Sa 13 schools na napunthan namin to conduct that event dun lang kami nakaranas ng ganung pambabastos, to think na isa sa kinikilalang school yun at Zobel pa!

Di ko lam kung dahil mayaman lang ba sila at iba ang trip nila, pero para sa edad nila me kaangasan na silang taglay. At hindi sila grateful sa mga binibigay sa kanila. Me mga prizes kasi na binigay sa mga players ng game at nagrereklamo talaga at sinisigaw pa nila na yun lang, they are expecting ipads daw! Langya.. Me isa pang studyante na sumigaw and told us : “can i comment? What you did to us is for senior prep. Don’t treat us like a baby.” E yung program namin gang grade 6 nga ang kasali at wala kami nakuhang ganung feedback sa iba.

Gusto ko na talaga tumakbo nun palabas ng subdivision. Though hindi naman ako nakikita nung mga bata pero yung feeling na napapahiya na yung mga kasamahan mo, buti natapos kagad yung event. 

Wednesday, November 14, 2012

AMALAYER being rampant.

On craze ngayon yung video ni AMALAYER girl, pero on my personal opinion, masyado naging epidemic yung isyu ng hindi naman dapat. Andaming side ng story na pwede mapag-usapan pero naging above dun yung obvious which is yung scene na nakunan, and because of that nagiging one sided yung opinion ng tao. Well, wala na ko masyado masabi, mahirap magsalita sa isang bagay na hindi mo naman alam ang totoong istorya. Lemme just share here the comment i saw from Gregory Paulo Llamoso's post: 

By a dummy FB user:


Alam kong napanood na ninyo ang video ng batang kumakalat sa mga social networking sites ngayon. oo, ung batang pa-english-english ng “amalayer, amalayer”. ayan, so narecall niyo na. anyway, sa aking palagay lamang, sa mumunti kong utak, may mga napansin akong mga pagkakamali sa pangyayaring ito na sumasalamin sa lipunan natin ngayon. at sa totoo lang, ako ay awang-awa sa mangyayari sa atin, sa mga tao, sa hinaharap, sa ating bayan at sa mga susunod pang henerasyon kapag nag patuloy ang ganitong sistema sa ating lipunan. at ang masaya, hindi dun sa batang babaeng nagwawala ako nakakita ng pagkakamali. simulan natin kay mr. gregory llamosa. 

1. ayon sa kanyang description sa video “pinuntahan ko nalang yung Head ng security and suggested na dalhin sa office yung babaeng nagwawala hindi in public, nagkaroon tuloy ng Scandal dun na really an unacceptable behavior…” hindi ba ka-ipokritohan ang ginawa ng taong ito? dalhin na lang daw sa office at wag sa public?? pagkatapos niyang mai-video ang pangyayari at i-pinost pa niya ang video sa mga social networking sites ha. bravo.

2. eto pa: I don’t care how this incident started, nobody has the right to treat another person—especially one who’s merely performing a low-paying job just to put food on the table—this way. GUSTO KO SANA IPADALA SA TV PATROL/24 ORAS/T3 GREGORY LLAMOSO (Bayan Patroller) :D 

willtime bigtime na ba ito? wish ko lang? putangina!! porke ba low-paying job ang pagiging security guard e pwede na silang maging arogante sa lahat ng tao dahil merong mga ipokritong tao na “magtatanggol” sa kanila kapag nakakuha sila ng katapat nila? owmaygulay!! this society is going down the drain.

3. so lahat na ng mga putanginang ipokrito sa pilipinas e nagsilabasan na, to the rescue kay lady guard. at palagay ko karamihan pa sa mga hayup na yan e behavioral experts. may doctorate sa psychology at sociology at sobrang ganda ng itinurong asal sa kanila ng kanilang mga magulang. at dahil nag-english si ate kay lady guard arogante na si ate dahil feeling ng mga ipokritong ito e hindi makakasagot si lady guard ng fluent english din (palagy ko din). pero sabi nga nung pambansang ipokrito na nagpost ng video e, wala daw siyang pakialam kung paano nagsimula ang insidente, por jos por santo, e bakit kaya biglang nagwala si ate sa publiko?? dahil nginitian siya nung lady guard at binati ng good morning?? attitude problem lang si ate, ganun? hindi naman natin maikakaila na napakarami din namang mga aroganteng walang pinag-aralan. waiter na mayabang, security guard na tarantado, taxi driver na abusado; nagkataon lang na nakakuha ng katapat si lady guard. 

4. mali ang ginawang pag-iiskandalo ni ate sa publiko. pero tama bang eskandaluhin siya ngayon ng libo-libong ipokrito sa mga social networking sites?? ito na ba ang pamantayan natin ng katarungan?? for that matter, tama bang i-post ang video niya, at i-bully ng mga “mababait at may manners” nating kababayan?? 

5. ang ending, mapipilitang magsorry si ate, sasabihin niyang nadala lamang siya ng kanyang emosyon, at malamang e mabibigyan siya ng break sa pag-aartista. si lady guard naman at ang libo-libong taong may “low-paying job” e magkakaroon lalo ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang kanilang pambabastos, pangaabuso at kaarugantehan. 

conclusion: bukas makalawa may kakalat na namang video ng isang lalaking galit na galit at nagmumura. hinahabol niya ang may hawak ng camera. apparently, na-videohan pala si kuya habang umiihi sa pader na may nakasulat na “bawal omehi detu” at dahil parang garapata kadami ang mga ipokrito, i-bubully na naman nila si kuyang galit na para bang hindi sila umihi sa pader ni minsan sa buhay nila.