Friday, September 28, 2012

Para Kay B by Ricky Lee



Matagal ko ng natapos ang librong ito, pero isang gabi naisip ko na naman ang mga teorya ng may akda tungkol sa pag-ibig. Limang kwento, pero higit pa doon ang uri ng pag-ibig na nais ipamulat sa mga mambabasa. Ikaw, saan ka papatak?
(excerpt from Para Kay B)

Ito ang teorya ng Writer:
Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.

Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda, hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukuyan.

May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabilang building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitignan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga iyong nasa kabila.

Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.

Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Meron relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang. Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.

Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy.

Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.

Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang  hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin ang bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindin ang mga alaala.


Nakakaaliw ang pagkakasulat. Makatotohanan. Nakakaloka ang mga characters, yung mga hindi mo tatanggapin na uri ng relasyon pero sa huli aaminin mo din na totoong nangyayari sa ating sirkulasyon.

Nakakaaliw. Nakakaloko. At nakakapagpaisip.. Parang ikaw, ako, tayo at pag-ibig. :)





Sunday, September 2, 2012

Looking for trouble.


I detest how people see their mistakes when they are already living on its aftermath. I detest how they contemplate on the situation when after all there is no way getting out. I detest how they see their past as a downfall when on the first place it could have been avoided. Experience is the word people use to their mistakes, and when consequence is already there habitual remorse is not the best defense, it makes you look stupid.

I detest people who talk much without giving deep thought. I detest how they say opinions without checking if they are on the right track. I detest how they can easily utter hundred of words, delivering their annoyance when in fact it is them making their own drama. Asking is not detrimental before composing some sentiments, indeed it refrains you from creating an impression that you are senseless.

Hate me for hating. But I despise weaklings who don’t give an effort to look like a strongman.  I don’t like people who exhibit their dearth. You are supposed to learn from your baggages not to cry from its weight. And words are very powerful weapon to create an emotional murder, before you start bashing someone with your boundless emotionalism, make sure you got the signal right. Think before you click, think before you speak.  

“Remember my friends! Everyone must be quick to listen, but slow to speak and slow to become angry.“